ARAW 1

KAPANGANAKAN NI STA. RAPHAELA MARIA

Mula sa isang pamilyang may malalim na pananalig sa Diyos, isinilang si Sta.  Rafaela Maria  noong Marso 1, 1850 sa Pedro Abad, Cordoba, Espanya. Sa panahong iyon, masalimoot ang kalagayang politikal at sosyal ng kapaligiran; yaon ang mga  taon ng  pagbabago at pag-unlad, mga taon ng nagbabantang kaguluhan at  paghangad ng  kapayapaan. 

Bunso si Rafaela Maria sa sampung magkakapatid,  subalit tatlo sa kanila ang maagang pumanaw sa kanilang murang gulang,  anupa´t nang ipanganak siya,  anim na lamang  ang naiwan sa kanila at  malugod na sumalubong ang mga ito sa kanyang pagsilang. Si Pilar ang bunso sa anim, may apat na  taong gulang lamang ang agwat nito sa kanya nang  isilang siya. 

Kasama ng kanyang mga kapatid,  lumaki si Raphaela Maria  sa piling ng kanyang mapag-arugang mga magulang.  Si  Don Ildefonso,ang kanyang ama,  kilala bilang tapat, totoo at tunay;  pumanaw  ito na may apat na taong gulang pa lamang si Rafaela Maria;  mapagmahal naman  masipag at matulungin sa kapwa si Raphaela, ang kanyang ina.

Bininyagan si Raphaela Maria,   isang araw pagkatapos ng kanyang pagsilang.

Ayon sa kanyang sulat  kay  Maria de la Cruz,  isang madre, “...apat na pu’t taong gulang ako sa unang araw ng Marso, at sa ikalawang  araw ng buwang ito,  bininyagan ako.  Ito ang pinakamahalagang araw ng buhay ko, sapagkat  sa araw na ito, isinulat ang aking pangalan sa aklat ng buhay.”

At nasasaad din  sa kanyang  sulat kay Rafaela na kanyang  pamangkin, at noo’y naghihintay ng kapanganakan  ng kanyang  pansampung  anak, “…magsaya  ka sapagkat marami kang  mga anak namaibibigay sa Diyos  anupa’t  marami pang magmamahal at magsisilbi sa kanya, at marami ring maaaring magkamit ng biyaya ng Kaligtasan. Sabihin mo rin kay Maria na siya ang tunay na ina ng iyong mga anak, at ikaw lamang ang tagapangasiwa ng iyong tahanan. Kaya gawin ninyo ang  anumang gustuhin at ibigin niya.”  Sa ganito kinilala ng kanyang pamangkin,  na ang karagdagang  anak na kanyang isisilang,  isa pang  biyaya  ng buhay  mula sa Diyos. 

At ganito nabuhay si Raphaela Maria bilang anak ng Diyos: may buong pagtitiwala sa pagmamahal ng Diyos sa kanya,  at may ganap na pagtitiwala sa lahat nang pangyayaring naranasan niya sa kanyang buhay, matapat siya at nanatiling mapagpasalamat sa Diyos para sa isang  mahalagang biyaya ng buhay.

Samantalang naroon sila sa Bethlehem, dumating ang oras ng panganganak  ni Maria. Isinilang niya ang kanyang lalaking panganay na sanggol. Binalot niya ng lampin ang bata at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugal para sa kanila sa bahay-panuluyan. ...natanim sa isip ni Maria ang mga bagay  na  ito at iningatan ang lahat sa kaibuturan ng kanyang puso. (Lukas 2, 6-7, 19)

Bilang anak ng Diyos, nararamdaman ko ba na mahal ako ng Diyos? Mataimtim ko bang pinagdarasalan sa aking puso, ang tungkol sa mga mithiin ng Diyos para sa aking buhay?

PANALANGIN KAY STA. RAPHAELA MARIA

Sta. Raphaela Maria, nabuhay kang  ganap na nakatoon ang sarili kay Hesus. Inibig  mong masunod/mangyari  lagi  ang kanyang  kalooban; pinahalagahan mo ang mga taong  nasa iyong kapaligiran  at kinilala  mo sila bilang iyong mga kapatid. 

Inilalarawan mo ang iyon sarili bilang isang maliit na bata sa mga kamay ng Diyos.    Isang paanyaya  para sa amin  ang iyong buhay  na kami’y maging  “mapagpakumbaba, mapagpakumbaba, mapagpakumbaba”; na kami’y mga mahahalagang gawang- putik  na hinubog sa mga kamay ng ating Tagapaglikha. Hinihikayat mo kaming maging  masaya at magtiwala sa sarili ,  At laging  nagmimithing gawin ang  kalooban ng Diyos. 

Tulungan mo kaming mabuhay  tuwina ayon sa kagustuhan  ng Diyos.

 Amen.