ARAW 6

LUMAGO ANG INSTITUTO SA PAMUMUNO NI STA RAPHAELA MARIA

Noong  unang araw ng Hulyo taong isang libo, walong daan, pitumpo’t  siyam  (Hulyo 1, 1879), ipinagkaloob sa mga madre ang susi ng bahay sa Kalye Obelisko. May dalawampo’t siyam (29) na taong gulang  noon si  Raphaela Maria. 

Noong ikasiyam ng Hunyo, isang libo, walong daan, siyamnapo’t dalawa (Hunyo 9, 1892), tumungo sa Roma si Madre Sagrado Corazon.  May apatnapo’t dalawang (42)  taong gulang  na si Raphaela Maria noon.  Labing tatlong taon (13) na ang lumipas.

Nang mga taong iyon, si Raphaela Maria  ang naging pinuno ng Instituto, bagama’t kahit kalian,  hindi niya inako ang maging tapagtatag nito.  Sa bahay ng Kalye Obelisko, siya ang responsable sa mga Nobisya, siya ang "puso na humuhubog ng puso."  Marami at iba’t iba ang mga pangyayaring naganap  ng mga  taong ito: nailimbag ang mga Palatuntunan ng Instituto (Statutes of the Institute), ipinagkaloob ng Simbahan ang Decretum Laudis (24.1.1886),  tumanggap ang  Instituto ng pag-apruba mula sa Santo Papa (29.1.1887), ang mga Saligang Batas ay naaprubahan, sina Raphaela Maria at Pilar ay nag-alay ng kanilang panghabambuhay na pagtatalaga sa Diyos ng kanilang sarili (Raphaela Maria noong 1888 at Pilar, matapos ang isang taon). Noong mga taong iyon, lumago ang Instituto, maraming mga bagong bahay ang naitatag  na  parang bang mga sangang yumabong  patungong Córdoba, Jerez, Zaragoza, Bilbao, Coruña, Cádiz, San Bernardo ...

Iyon ang mga taon ng kagalakan at pagdurusa.  Sa kabilang ibayo, nanaig ang  espiritu ng pagkakaisa, sigasig, lakas ng loob at determinasyon…iyon ang hudyat ng  simula ng pagpapalawak ng Instituto; ngunit  hindi maipagkakaila ang maraming paghihirap  na nakaharap nila,  subalit  napupuno rin sila sa tuwina  ng malaking pag-asa  at pagpapala ng Diyos. 

Ginabayan at pinalago ni Raphaela Maria ang Instituto nitong mga taong nagsisimula pa lamang ito sa pagtuklas ng  mga makabagong inisyatibo; kung saan magkasamang naranasan nila  ang  magkahalong  kagalakan, sigasig, pagiging bago at ng  kahirapan, alitan, pagtutungali…

Laging sinasabi ni Raphaela Maria ang kakulangan ng kanyang  pagkakagusto sa "malambot na espiritu” ng kanyang kapanauhan. Sa lengwahe ng kanyang panahon, 

pinupuri niya ang matatag at malakas na espiritu at hindi ang malambot ... Tinutukoy niya  ang  tungkol sa"seryosong buhay sa espiritu," at ang "pagpipino ng kaluluwa" …

Mula sa mga pahiwatig niya sa mga unang Madre, sa mga liham na sinulat mula sa kanyang mesa, sa katahimikan at pagninilay sa loob ng kanyang  silid, masusulyapan natin  ang ilan sa mga katiyakan na pinanghawakan ng kanyang puso:

"Ating pag-alabin ang ating sigla sa bawat sandali," (Hulyo 1881)

“Mahalin natin si  Hesus nang may katatagan; gagawa tayo ng mga himala kung iyan ang nais Niya.” (May 1883)

"Ang anumang minamahal, hindi nakabibigat." (September 1883)

"Kumilos tayo upang mamuhay na masaya ang nakapaligid sa atin,  ito ang tunay na pag-ibig sa kapwa." (Mayo 1882)

Lantaran/pranka siya kung magsalita, subalit makatotohanan ang mga ito  at puno ng pagmamahal:

 "Ang puso mo ay higit na maliit  kaysa sa isang  ibon,"  (isinulat sa isang madre noong Agosto isang libo, walong daan at walumpo’t lima - Agosto 1885)

At sinabi sa isa pang madre na “…laging maging matapat, maging may mga butil  man ng buhangin." (Marso, isang libo, walong daan at siyamnapo’t lima  - Marso 1895 )

Matatag siyang naniniwala na "sa bawat maliit na gawain, may isa pang antas ng biyaya,  at isa pang antas ng kaluwalhatian” ang natatangap mula sa Diyos at para sa Diyos. (Nobyembre1897)

“Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo. . . Manatili kayo sa akin.. (Jn 15, 16, 9b)

Sa talaaan  mula sa isa sa kanyang mga Ritiro  Espiritwal, sinabi ni Sta. Raphaela  Maria: "Nararamdaman ko si Hesus sa aking loob, binibigyan Niya ng buhay ang aking kaluluwa at  binabasbasan ang aking espiritu." 

At ako, nararamdam ko rin ba ang pananahan ng presensiya ng Diyos sa akin?  Nananahan ba ako sa kanyang pag-ibig?

PANALANGIN KAY STA. RAPHAELA MARIA

Sta. Raphaela Maria ... pinag-iisa namin ang aming panalangin sa panalangin mo.   Kasama mo, nais naming maging pananalita ang iyong mga kataga at ipahiwating ang mga ito kay Hesus.  Tulungan mo kaming mamuhay tulad noong ikaw ay nabubuhay pa,  at nawa’y aming maramdaman ng taimtim  ang pagkamalapit  mo  kay Hesus at pakikipagpalagayang-loob Niya sa iyo.. .tulungan mo kaming mabuhay nang tulad mo,  maramdaman namin   ang pagiging malapit sa amin ng presensya ng Diyos  

“Lahat para saiyo, Hesus ng aking puso, ngayon at magpakailanman.” 

Kahit kailan, huwag mo akong iwalay sayo, Hesus ng aking puso[…] 

Gawin mo akong tunay na matatag sa mga kagandahang-asal,  at tanglawan ako, Hesus ng aking kaluluwa…Ikaw lamang ang aking bukod-tanging tagapag-adya at kalakasan, minamahal kong Ama[…] 

Nagtitiwala ako sa Iyong walang katulad na kabutihan…at hindi ako magkukulang. Hinihingi ko Saiyo, Hesus ng aking puso, na tingnan Mo ako ng may sagradong apoy sa iyong mga mata…nang sunugin nito sa akin ang lahat ng mantsa, lahat ng  kakulangan, lahat ng kabulagan, lahat ng kadiliman, at puspusin Mo ako ng banal na liwanang, liwanag na bumubuhos mula sa iyong puso, nang sa gayon, mawalan  ako ng anumang kapintasan at magbigay Saiyo ng higit na kaluwalhatian.” Amen.